Kumpanya ng Mga Abogado para sa mga Pinsala sa Aksidente sa California
Kumpanya ng Mga Abogado para sa mga Pinsala sa Aksidente sa California
Sa Arash Law, prayoridad namin ang iyong paggaling. Sinusunod namin ang patakarang “Walang panalo, Walang bayad” — hindi mo babayaran ang bayarin sa abogado maliban na lng kung manalo kami sa kaso mo.
BAKIT NAGTITIWALA ANG MGA KLIYENTE SA ARASH LAW





Arash, salamat sa pagiging napakagaling na katrabaho.
Hindi ko maipahayag sa salita kung gaano ako nagpapasalamat at kung gaano kahanga-hanga sina Arash at ang kanyang koponan.
Matapos kong maaksidente sa isang kakila-kilabot na aksidente sa kotse, tinawagan ko ang Arash Law at mula sa simula, ginawa nilang madali at walang kahirap-hirap ang proseso para sa aking kaso.
Paano ang Proseso
Kami ay Isang Opisina Para sa mga Pinsala sa California na Nakatuon sa Pangangailangan ng Kliyente at Nag-aalok ng Legal na Patnubay base sa aming malalim na Karanasan
Paano ang Proseso
Ang Aming mga Abogado sa Aksidente sa California ay Kumakatawan sa mga Kliyente sa mga Sumusunod na Larangan ng Batas sa Personal na Pinsala
Alam Mo Ba Na Nililimitahan Ng Mga Batas Sa Personal Na Pinsala Sa California Ang Panahon Ng Mga Biktima Ng Aksidente Para Makapaghain Ng Kaso?
Mga Madalas Itanong
Magkano ang singil ng karamihan sa mga Abogadong pangpersonal na pinsala?
Ang singil ng abogadong pampersonal na pinsala sa California ay nag-iiba depende sa mga partikular na detalye ng kaso. Ang ilang mga paghahabol ay maaaring malutas ng mas mabilis, habang ang iba naman ay mas matagal o nangangailangan ng paglilitis, na maaaring makaapekto sa kabuuang bayarin. Dahil magkakaiba ang bawat kaso, walang iisang halaga na naaangkop sa lahat.
Karamihan sa mga abogado ay gumagamit ng kontingensyang pagbabayad bilang kasunduan, ibig sabihin, ang kanilang bayad ay nagmumula sa nabawing halaga, at ang mga kliyente sa pangkalahatan ay hindi magbabayad sa abogado ng anumang halaga maliban na lng kung may matamong kompensasyon. Sa simula ng representasyon, ang mga abogado ay nagbibigay ng isang nakasulat na kasunduan na nagpapaliwanag sa istruktura ng pagbabayad at anumang mga gastos na may kaugnayan sa kaso upang maunawaan ng mga kliyente ang mga tuntunin bago magpatuloy.
Upang mas maunawaan kung magkano ang singil ng mga abogadong pangpersonal na pinsala sa California, makakatulong na tingnan ang mga salik na nakakaimpluwensya sa mga legal na bayarin, kabilang ang pagiging kumplikado ng kaso, tagal, at kung kinakailangan ng paglilitis.
Ano ang karaniwang bayad para sa isang abogadong pangpersonal na pinsala sa California?
Sa California, ang mga abogado sa personal na pinsala ay hindi naniningil ng isang patag o pare-parehong bayad. Ang halaga ay maaaring mag-iba batay sa ilang mga salik, kabilang ang kalubhaan ng mga pinsala, ang pangangailangan para sa mga ekspertong saksi, ang haba ng negosasyon, at kung ang kaso ay kailangang umabot sa paglilitis. Dahil sa mga pagkakaibang ito, ang mga bayarin ay nakabalangkas upang sumalamin sa trabaho at mga pagkukunan ng kinakailangan para sa bawat kaso.
Maraming abogado para sa personal na pinsala sa California ang nagtatrabaho batay sa kontingensiyang pagbabayad. Sa halip na maningil sa simula, ang kanilang bayad ay ibabawas mula sa anumang kabayarang makukuha sa kaso. Kung walang pagbawi, ang mga kliyente ay karaniwang hindi nagbabayad ng mga bayarin sa abogado. Sa simula ng representasyon, ang abogado ay bumubuo ng isang nakasulat na kasunduan na naglalahad kung paano kinakalkula ang mga bayarin at kung paano hahawakan ang mga gastos na may kaugnayan sa kaso.
Lehitimo Ba ang Opisina ng Arash Law?
Ang Arash Law, na itinatag ni Arash Khorsandi, Esq., ay isang lehitimong opisina ng mga abogado na nakabase sa California. Hinahawakan nila ang mga paghahabol at kaso para sa personal na pinsala at kompensasyon sa manggagawa, bilang isang may matibay na presensya sa industriya. Ang kanilang opisyal na website, arashlaw.com, ay nagtatampok ng kanilang malawak na karanasan sa ibat ibang larangan ng pagsasanay, kabilang ang mga aksidente sa kotse, aksidente sa trak, pinsala sa lugar ng trabaho, pagkakamali na nagdulot ng kamatayan, at mga paghahabol sa Lemon Law.
Bilang isang lisensyadong praktis sa personal na pinasala at lemon law practice sa California, pinapanatili nito ang 3.8 na marka mula sa 5.0 na stars mula sa 93 na pagsusuri ng mga kliyente, na nagpapahiwatig na karamihan sa mga kliyente ay nasiyahan sa kanilang mga serbisyo at resulta. Ang mga abogado ng Arash Law ay bihasa sa batas ng personal na pinsala at batas sa kompensasyon ng mga manggagawa at nagbibigay ng mga kaugnay na propesyonal na serbisyo.
Ano ang ilang mahahalagang kaso na hinawakan ng Arash Law?
Ang Arash Law ay kumatawan sa mga kliyente sa iba’t ibang kaso ng malubhang pinsala. Kabilang sa mga kapansin-pansing halimbawa ang:
- Isang hatol na $41.95 milyon para sa mga kostumer na inatake sa loob ng isang tindahan ng Walmart matapos gamitin sa pag-atake ang isang baseball bat na naiwan sa tindahan. Napatunayang bahagyang may pananagutan ang Walmart batay sa ebidensyang iniharap sa paglilitis.
- Isang $17.9 milyong lubos na nagkakaisang hatol laban sa County ng Los Angeles na kinasasangkutan ng dalawang kliyente na nasaktan sa isang malubhang aksidente. Napagpasyahan ng hurado na ang County ang ganap na may kasalanan matapos ang isang matinding paglilitis na nagtampok sa mga pangmatagalang pangangailangang medikal ng mga kliyente at ang pagtanggi ng County sa responsibilidad.
- Isang $3.5 milyong hatol para sa isang kliyente na nagtamo ng matinding pinsala sa utak sa isang banggaan noong 2017. Bago ang paglilitis, ang tagaseguro ay unang nag-alok ng $18,500 at kalaunan ay itinaas ang alok sa $300,000. Matapos marinig ang medikal na testimonya at ebidensya ng patuloy na mga sintomas ng biktima, ang hurado ay naggawad ng mga danyos para sa nakaraan at hinaharap na sakit at pagdurusa at pangangalagang medikal sa hinaharap.
Inilalarawan ng mga resultang ito ang mga uri ng kumplikadong mga kaso na hinawakan ng aming opisina. Iba-iba ang bawat kaso, at ang mga resulta ay nakasalalay sa mga partikular na katotohanan at ebidensyang kasangkot. Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa iyong sitwasyon, ang isang konsultasyon ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang iyong mga opsyon.
Ang Arash Law ba ay Humahawak ng mga Kaso ng Aksidente sa kotse
Oo. Ang Arash Law ay humahawak ng malawak na hanay ng mga kaso ng aksidente sa kotse sa buong California, kabilang ang:
- Mga binangga sa likuran
- Mga banggaan sa interseksyon at red-light
- Mga aksidente ng maraming sabay sabay na sasakyan at magkakabuntot na aksidente
- Mga insidenteng may kinalaman sa rideshare tulad ng Uber o Lyft
- Mga banggaang kasabay ng mga komersyal na trak o mga sasakyang pang-deliver
- Mga aksidenteng hit-and-run
- Mga aksidenteng dulot ng pagmamaneho ng wala sa pokus o may impluwensya ng alak o droga
Tinutulungan ng aming mga abogado ang mga nasaktang kliyente na maunawaan ang kanilang mga karapatan, idokumento ang kanilang mga pinsala, lagpasan ang mga isyu sa seguro, at magdemanda ng kompensasyon sa pamamagitan ng paghahabol sa mga personal na pinsala o kasong-batas kung naaangkop. Kung ikaw ay nasaktan sa isang banggaan, maaaring ipaliwanag ng aming pangkat kung ano ang karaniwang nangyayari pagkatapos ng isang aksidente sa kotse at kung paano gumagana ang proseso ng mga paghahabol.
Sino ang Arash Law?
Ang Arash Law ay isang kilalang kumpanya para sa mga personal na pinsala sa California na pinamumunuan ni Arash Khorsandi, Esq., na kumakatawan sa mga kliyenteng nasaktan sa:
- Mga aksidente sa kotse
- Mga aksidente habang naglalakad
- Mga banggaan kaugnay ng motorsiklo
- Mga insidente sa lugar ng trabaho
- Mga pagkadulas at pagkahulog
- Iba pang mga maiiwasang pangyayari
Bilang karagdagan sa mga kaso ng pinsala, humahawak din ang kumpanya ng:
- Mga paghahabol sa kompensasyon ng mga manggagawa
- Mga usapin sa batas sa trabaho na may kinalaman sa mga karapatan at proteksyon sa lugar ng trabaho
Ang Arash Law ay nagsisilbi sa buong estado ng California, na nagbibigay ng legal na suporta sa mga kliyenteng humihingi ng gabay pagkatapos ng isang pinsala o isyu sa lugar ng trabaho.
Paano Nakikipag-ugnayan ang Arash Law sa mga Kliyente?
Nakikipag-ugnayan ang Arash Law sa mga kliyente sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, email, at mga text message upang magbigay ng tuloy-tuloy na update sa buong kaso. Ipinapaliwanag ng pangkat ang bawat yugto ng proseso, sumasagot sa mga tanong, at tinitiyak na nauunawaan ng mga kliyente kung ano ang aasahan at kung anong impormasyon ang maaaring kailanganin habang umuusad ang paghahabol.
Anong Uri ng Batas ang Pinapraktis ng Arash Law?
Ang Arash Law ay nakatuon sa batas sa personal na pinsala sa California, na kumakatawan sa mga indibidwal at pamilyang may hinaharap na malubhang pinsala na dulot ng mga aksidente, hindi ligtas na mga kondisyon, o kapabayaan. Ang kumpanya ay humahawak ng mga kaso ng pinsalang may malaking pananagutan na kadalasang may kaugnayan sa makabuluhang pisikal, emosyonal, at pinansyal na epekto, kabilang ang:
- Mga aksidente sa sasakyan, tulad ng kotse, trak, motorsiklo, at rideshare
- Mga kaso ng kapahamakan at malubhang pinsala na may pangmatagalan o permanenteng epekto
- Mga paghahabol sa maling pagkamatay na isinampa ng mga nabubuhay na miyembro ng pamilya
- Mga komplikadong usapin sa personal na pinsala na kinasasangkutan ng maraming partido o mga isyu sa seguro
Ang mga abogado ng Arash Law ay humahawak sa mga kasong nangangailangan ng masusing imbestigasyon, matibay na pagtataguyod, at malinaw na pag-unawa sa batas ng pinsala sa California. Ang bawat kaso ay binibigyan ng indibidwal na atensyon at sinusuri batay sa mga natatanging katotohanan, panganib, at legal na konsiderasyon nito. Ang layunin ng kompanya ay protektahan ang mga karapatan ng mga indibidwal na napinsala at humingi ng kabayaran kung saan pinahihintulutan ng batas.
Ano ang Antas ng Tagumpay ng Arash Law?
Hindi inilalarawan ng Arash Law ang tagumpay gamit ang iisang numero o porsyento. Sa halip, nanggagaling ang tagumpay sa paraan ng paghahanda sa bawat kaso, sa paraan ng pagtrato sa mga kliyente, at sa kung paano hinahawakan ang mga komplikadong paghahabol sa pinsala mula simula hanggang katapusan. Nakatuon ang mga abogado ng personal na pinsala ng kumpanya sa maingat na imbestigasyon, pagbuo ng matibay na ebidensya, at malinaw na komunikasyon sa bawat yugto ng proseso.
Maraming tao ang pumipiling suriin ang Arash Law sa pamamagitan ng pagtingin sa mga totoong karanasan ng kliyente. Kadalasang itinatampok ng mga review kung gaano naramdaman ng mga kliyente ang suporta, kung gaano kalinaw na nasagot ang kanilang mga tanong, at kung gaano kasangkot ang legal team sa buong kaso.
Review sa Google
“Ang aking karanasan sa Arash Law ay namumukod-tangi mula pa sa simula. Ang kanilang team na sina Cristina at Oscar ay lubos na maalam, palagiang nagbibigay ng malinaw na mga paliwanag at mahusay na gabay na nagpadali sa pag-unawa sa bawat hakbang. Sila rin ay lubos na matulungin, palaging mabilis tumugon at handang gumawa ng higit pa upang matiyak na maramdaman kong sinusuportahan ako.
Hinahawakan ng Arash Law ang lahat nang may propesyonalismo at kumpiyansa, na nagbibigay sa akin ng kapayapaan ng isip at ginawang madali ang isang sitwasyon na maaaring maging napakahirap.
Sa pangkalahatan, ang Arash Law ay naghahatid ng mahusay na serbisyo, ekspertong payo, at isang tunay na maayos na karanasan. Lubos ko silang inirerekomenda sa sinumang naghahanap ng maaasahan, mapagmalasakit, at epektibong legal na suporta.
”
— Pearl
Review sa Google
“Unang beses kong gumamit ng abogado para ipaglaban ako laban sa kumpanya ng seguro. Napakasarap sa pakiramdam na maisintabi ko na lang ito at sila na ang bahala. Pinapanatili ng abogado kong si Arlene na may alam ako sa bawat hakbang at hinayaan ko na lang silang gawin ang trabaho nila. 100% ko silang inirerekomenda kung gusto mo ng kapanatagan ng loob.”
— Cheyenne Rodriguez
Maaari ring suriin ng mga mambabasa ang mga resulta ng kaso na available sa publiko, mga rekord ng korte, at karagdagang feedback ng kliyente para mas maunawaan ang mga uri ng kaso na hinahawakan ng Arash Law. Ang direktang pakikipag-usap sa kompanya sa isang libreng konsultasyon ay maaaring magbigay ng karagdagang paglilinaw kung paano hahawakan ang isang kaso at kung anong mga salik ang maaaring makaimpluwensya sa proseso.
Gaano na katagal nagpapraktis ang Arash Law?
Nag-aalok ba ang Arash Law ng libreng konsultasyon?
Ang Arash Law ba ay humahawak ng mga kaso ng batas sa pagtatrabaho?
Ano ang istruktura ng pagbabayad sa Arash Law?
Ang Aming mga Abogado sa Aksidente Ay Nakatuon sa Pagtulong sa mga Napinsalang Biktima sa California
Ang aming pangkat ay binubuo ng mahigit 100 legal na propesyonal na may iisang layunin: tulungan ang mga kliyente na makamit ang kompensasyong nararapat sa kanila. Sa tulong ng AK Law, magkakaroon ka ng isang dedikadong pangkat na hindi lamang nagtataguyod para sa iyong mga karapatan kundi nagbibigay din ng malinaw at tapat na mga update sa iyong kaso.
Ang aming mga abogado sa personal na pinsala sa California ay nagtutulungan upang imbestigahan ang mga insidente at bumuo ng mga matibay na kaso para sa aming mga kliyente. Anuman ang iyong mga layunin, maging ito man ay ang makamit ang isang kasunduan o dalhin ng iyong kaso sa korte, narito kami upang magbigay ng legal na gabay at suporta.
Sa Personal na Serbisyong Ibinibigay ng aming mga Bihasang Abogado sa Aksidente sa California — May Makukuhang Legal na Suporta Sa Oras ng Iyong Pangangailangan!
Kinikilala ng Arash Law at ng pangkat nito, sa pangunguna ni Arash Khorsandi, Esq., na ang salitang “aksidente” ay kadalasang nabibigong ilarawan nang tumpak ang karamihan sa mga kaganapan sa personal na pinsala. Sa maraming kaso, ang mga insidenteng ito ay resulta ng pagkakabit-kabit ng mga kapabayaan na maaaring naiwasan kung ang wastong pag-iingat ay isinagawa.
Sa aming opisina ng mga abogado para sa personal na pinsala sa California, ang aming mga abogado ng aksidente sa kotse ay kumakatawan sa mga indibidwal na napinsala dahil sa kapabayaan at nagtataguyod para sa kanilang mga karapatan sa buong legal na proseso. Humahawak kami ng malawak na hanay ng mga aksidente na may kaugnayan sa trabaho at trapiko, na nag-aalok ng suporta at legal na gabay pagkatapos ng mga aksidente sa kotse at iba pang mga insidente na nagdudulot ng pinsala.
Ang aming pangkat sa personal na pinsala ay nagsisilbi sa mga kliyente sa buong California, kabilang ang Los Angeles, San Francisco, San Diego, San Jose, Sherman Oaks, Sacramento, Irvine, Fresno, Beverly Hills, at Riverside.
Tatlong Bagay na Maaaring Hindi Sabihin sa Iyo ng Mga Kumpanya ng Seguro Pagkatapos ng Aksidente
Ang mga kompanya ng seguro (insurance) ay kadalasang nag-aalok ng mas mababang kasunduan sa mga biktimang walang kumakatawan, kaya't nakakatulong ang pagkakaroon ng abogado upang maging pantay ang laban.
Mayroon silang mga pangkat na nagpoprotekta sa kanilang mga interes, hindi sa iyo. Ang pagkakaroon ng abogado ay nagsisiguro na may isang taong nagtataguyod para sa iyong pagbawi at mga karapatan.
Ang pagkakaroon ng legal na representasyon ay nagpapahiwatig sa mga tagaseguro na ang iyong paghahabol ay lubusang susuriin, na maaaring maghikayat ng mas malinaw na paghawak ng kaso.
We can also assist in settlement negotiations with major insurance companies in the following areas across California.